AYON SA MGA BITUINNO ANG SINASABI NG MGA BITUIN sa kapalaran ng siyam na kandidato sa pagkapangulo ngayong linggong ito? Narito.Basahin, limiin, unawain, at seryosohin. Ngunit laging tandaan ang paalala ni
Zenaida ‘Syzygy’ Seva,
“Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito.” Ulitin natin. Pero sa pagkakataong ito, basahin nang malakas at imadyinin si Zenaida Seva habang binibigkas ang linya,
“Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will, gamitin natin ito.” At inulit mo naman. Masunuring bata!
Noynoy Aquino February 8, 1960
Aquarius:
Iwasang magtungo sa Quiapo. Baka mapagbintangan kang bumibili ng survey.
Sa pag-ibig, magpapasya ka this week sa regalong ibibigay mo kay
Valenzuela City Councilor Shalani Soledad sa Valentine’s Day. Huwag mo
itong ipaalam kay Kris. Pagtatawanan ka lang niya at sasabihang “Gosh,
how cheap!”
Hahabol sa kasikatan ng
“Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura” jingle ni Manny Villar ang NOY|NOY! jingle kung saan tinangka mong mag-rap katulad ng idolo mong si
Vanilla Ice.
Ngunit makabubuting panoorin ang ginawa mong pagsayaw sa naturang
patalastas. Ginawa na ni Villar ang ganyang gimmick noong 2007. Utang
na loob, huwag mo nang ulitin. Mukha kang tanga!
Sanga pala, may nag-text.
“Patahimikin mo na kami. Huwag mo na kaming isali d’yan. Matanda ka na.
Alam mo na ang dapat mong gawin. Good luck.” All the best, Daddy Ninoy
& Mommy Cory
JC De Los ReyesFebruary 14, 1970
Aquarius:
Saludo ang mga bituin sa iyong tapang at determinasyong tumakbo sa
pagkapangulo ng ating bansa. Ngunit mas sasaludo sila sa ‘yo kung ikaw
ay uurong.
Joseph EstradaApril 19, 1937
Aries:
Hindi ka si Harry Houdini. Hindi ka rin si David Copperfield. At lalong
hindi ka si David Blaine. Pero ang tanong ng mga bituin: bakit hanggang
ngayon ay nabubuhay ka pa rin sa illusion?
Patuloy na bebenta ang iyong mga jokes sa mga presidential forum.
Ikaw ang aani ng pinakamalakas na tawanan at palakpak mula sa crowd.
Subalit ipinapayo ng mga bituin na limitahan ang dami ng binibitawan
mong jokes. Baka mapagkamalan kang si Dolphy at kunin kang endorser ni
Villar.
Richard GordonAugust 5, 1945
Leo:
Bilib ang mga bituin sa talas at husay ng iyong utak lalo na sa mga
debate at presidential forum. Ngunit mag-ingat sa napakabilis na
pagsasalita. Baka malunok mo ang iyong maigsing dila. Iisa pa lamang
ang successful tongue transplant sa mundo.
Limitahan din ang paggamit sa Subic at Olongapo sa mga debate. Given
na ‘yon. Sinuwerte ka lang dahil doon ka nahalal na alkalde. Kung ikaw
ang naging mayor ng Siayan town sa Zamboanga del Norte na may poverty
incidence na 97.46 percent, baka wala ring gaanong nagawa ang matabil
mong dila.
Isang unsolicited advice lang po mula sa mga bituin: palitan n’yo na
ang iyong TV ad na ang musikang gamit ay “Silent Night.’ Pebrero na
ngayon.
Nicanor PerlasJanuary 10, 1950
Capricorn:
May walong araw pa bago opisyal na magsimula ang campaign period kung
saan inaasahang gagastos nang todo-todo ang mga kandidato. Dahil sa
mababang rating sa survey, mahihirapan kang kumalap ng campaign
contributions.
Habang abala sa paghahanap ng financial support, makakatanggap ka ng
‘good news’ at ‘not so good news’ bago matapos ang linggong ito. Ang
good news: susuportahan ka ng pamilya Ayala. Ang ‘not so good news’ –
ng pamilya ni Joey Ayala:
karaniwang tao.
Pinupuri ng mga bituin ang iyong mga nagawa bilang advocate ng
malinis at maayos na kapaligiran at kalikasan. Dahil diyan, mananalo
ka! Mananalo ka sa May 10… kung papayagang bumoto ang mga puno.
Gilbert TeodoroJune 14, 1964
Gemini:
Iwasang makunan ng larawan kasama ang isang babaeng may nunal sa
kaliwang pisngi. May dalang kamalasan ‘yan. Mas lalong iwasang makunan
ng larawan kasama ang isang ginoong napakalaki ng katawan ngunit
napakaliit ng boses. Doble ang kamalasang dala niyan.
Mauungusan mo sa susunod na survey sina Noynoy at Villar… kung sa La Salle campus gagawin ang survey.
Posibleng umagaw ng boto sa ‘yo ang isang female presidential
candidate na berde rin ang campaign color. Malas mo lang dahil pareho
pa kayo ng gupit. Remedyuhan habang maaga.
Manny VillarDecember 13, 1949
Sagittarius:
Sa pananalapi: napakasuwerte mo. Ni singko ay wala kang utang. Umuulan
ang iyong pera kaya naman bumabaha ang iyong political ads.
Dahil sa ‘yo, muling mag-iinit ang Senado sa linggong ito.
Consistent kang tao. May isang salita. Hindi ka sisipot sa pagdinig ng
plenaryo. Kaya’t patuloy na magtatanong ang taong-bayan: guilty or not
guilty? Dahil sa patuloy na pag-iwas mo sa iyong mga accusers, malamang
na iwasan ka na rin ng mga botante. Ang payo ng mga bituin: simulan mo
na ang paghahanap ng tindahang nagbebenta ng suwerte. Kakailanganin mo
‘yan ngayong Mayo.
Babala: kung ayaw mong umuwing may black eye, iwasan ang isang
babaeng may initials na JM. May maitim siyang balak sa ‘yo. Matagal ka
na niyang hina-hunting. Clue sa katauhan ng babae: mukha siyang lalaki.
Jamby MadrigalApril 26, 1958
Taurus:
Kung may mga sanggol na ipinaglihi sa hilaw na mangga, maasim na
siniguelas, o hinog na duhat, naniniwala ang mga bituin na ikaw naman
ay ipinaglihi sa sama ng loob. Tila malaki ang kinikimkim mong galit sa
pulitiko man o sa mga kamag-anak mo. Isa kang ‘bully’ sa iyong past
life.
Babala ng mga bituin: Chill. Baka dumating ang araw na maubusan ka ng maaaway at ibaling mo ang iyong galit sa iyong sarili.
Sa pag-ibig, walang gaanong pagbabagong nakikita ang mga bituin. Masyadong maulap ang aspetong romantiko ng iyong buhay.
Sa pulitika, sinabi mo last week na hindi ka naniniwala sa mga
surveys. ‘Wag kang mag-alala. Hindi rin sila naniniwala sa ‘yo! Quits
lang pare.
Bro. Eddie VillanuevaOctober 6, 1946
Libra:
Ang katulad mong Born-Again Christian at spiritual leader ay hindi naniniwala sa mga hula.
Ang sabi ng mga bituin: ‘Pwes, hindi rin kami naniniwala sa ‘yo.’
Wala kang horoscope!
---------------------------------
from:
http://professionalheckler.wordpress.com/