Bayani Agbayani is thankful to GMA-7 for opening its door to him again Glen P. Sibonga
Sunud-sunod ang TV projects ni Bayani Agbayani sa GMA-7 simula nang
bumalik siya sa Kapuso Network matapos ang ilan taon ding pagtatrabaho
sa ABS-CBN. Ang latest project nga niya ay ang bagong youth-oriented
teleserye na
First Time na pinagbibidahan ng mga young stars na sina Joshua Dionisio, Barbie Forteza, at Jhake Vargas.
"Ang maganda kasi, dito talaga planado, e, kung saan ka papunta,
kung saan ka patungo. Kung ano ang dapat mong gawin, dapat kang
magpapayat dahil may gagawin kang ganito, may gagawin kang ganyan.
"Isipin mo, ngayon pa lang meron na akong
First Time, may
SRO Meet The Fathers,
may daily show, may isa pang show na pambata—apat na kaagad! Ano pang
hihilingin mo sa GMA? Pagbalik ko dito, talagang dalawang kamay
nakabukas. Tinanggap ako, hindi lang ng management kundi pati ng mga
artista at buong production," pagmamalaki ni Bayani nang ma-interview
siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng
First Time last February 1 sa Studio 6 ng GMA Network.
Maayos ba ang naging paalam niya sa ABS-CBN?
"Oo," sagot niya. "Nagpaalam ako kay Tita Cory Vidanes [ABS-CBN
executive], kay Direk Bobet [Vidanes]. Nagpaalam naman ako at pinayagan
naman nila ako. Mas maganda kasi wala kang sinasabing masama against
any network, e."
NO HARD FEELINGS. Wala ba siyang sama ng loob sa ABS-CBN kaya siya lumipat?
"Wala, kasi talagang ganyan, e. Kung minsan maraming trabaho, kung
minsan wala. Pero syempre, bilang artista kailangan humanap ka kung
saan ka magkakaroon ng trabaho. Kasi may binubuhay kang pamilya. And
besides, marami pang ideas na alam kong higit ko pang maibibigay sa mga
tao para makapagpasaya. At marami pa akong puwedeng ipakita sa tao na
hindi ko pa naipapakita sa pag-stay ko sa kabilang network," saad ng
komedyante.
Totoo ba na nakasamaan niya raw ng loob si Willie Revillame kaya siya lumipat sa GMA-7?
"Hindi," tanggi niya. "Yung sa amin ni Willie, matagal nang naayos
yun. Ang talagang dahilan, siyempre, kailangan mo ng trabaho. At ako,
naniniwala na bata pa ako at marami pa akong maipapakita.
"Salamat sa GMA at binuksan nila ulit yung pinto nila sa akin. Kasi
dito naman talaga ako galing, e. Ang Bayani Agbayani, galing 'yan kay
Ma'am Wilma Galvante. Dito ako nagsimula sa production. Hanggang dito
ako nagsimulang mag-artista. Kaya dapat siguro dito na rin ako tumanda."
Sinabi niyang sa GMA-7 na siya tatanda, ibig sabihin ba nito ay hindi na niya kailanman iiwan ang Kapuso?
"Oo, awa ng Diyos. Kasi dito ako nag-umpisa, gusto ko dito ko na rin
ibigay ang lahat ng nalalaman ko sa likod at sa harap ng camera. Yun na
ang gusto kong mangyari sa buhay ko ngayon. Kasi puwede naman ako sa
production, puwede ako kahit hindi na ako artista."
Ibig bang sabihin nito hindi niya nailabas yung galing niya off-cam sa ABS-CBN?
"Nung mag-artista kasi ako sa kabilang network, hindi naman ako
nag-production, e. Dito kasi, nag-production ako at nag-artista ako.
So, kung may babalikan man ako sa production, palagay ko dito ko na
ibubuhos ang lahat."
May provision ang GMA-7 na kapag may exclusive contract na sa
network ay hindi na puwedeng gumawa ng ibang shows sa ibang network.
Paano na ang show niya sa TV5 na
Kiddie Kwela?
"Sa ngayon, hindi pa ako mawawala doon kasi previous commitment ko
na yun. Yun kasi ang napag-usapan namin bago ako pumirma ng exclusive
contract. Kasi ang kontrata ko rito, two years. So, sabi ko sa kanila,
'Ma'am, may napirmahan na akong iba bago pumunta dito. Puwede po bang
tapusin ko na muna yun?' Isa na lang ang show ko doon, yung
Kiddie Kwela."
VERSUS SHOWTIME. Kumusta na yung daily show na may dating titulo na Todo Bigay na pagsasamahan sana nila ni Manny Pacquiao? "Tuloy na po yung daily show," pagbabalita ni Bayani. "Nag-dry run
na kami ng mga anim na beses na. Ang airing namin ay sa February 8 na.
Tuloy na tuloy na. Pero hindi na Todo Bigay ang title niya. Hindi ko pa puwedeng sabihin kung ano yung ipinalit na title. Basta abangan niyo." Nanghinayang ba siya na hindi natuloy ang pagsasama nila sana ni Manny? "Ako kasi, ang pakiramdam ko lagi pag hindi talaga ukol, hindi bubukol, e. Pagka hindi sa iyo, hindi para sa iyo, e." Sino na lang ang naiwan from the original cast nito? "Ako na lang ang naiwan sa original cast," sagot ni Bayani. "Hindi
ko pa puwedeng sabihin kung sino yung mga makakasama ko kasi sinabihan
ako na hindi pa puwedeng sabihin." Ano ang feeling na tatapatan ng daily show nila ang Showtime ng ABS-CBN? "Nakakanerbiyos kasi alam naman natin ang rating nun, e. Pero
siyempre, ang sinasabi nga namin kapag nagmi-meeting kami, 'Huwag
nating isipin na tinatapatan natin sila. Isipin natin na nag-e-enjoy
tayo at nagbibigay ng tuwa at kasiyahan sa mga tao.'" Pareho rin ba sila ng format ng Showtime na talent show? "Actually, yun naman talaga ang trend ngayon, e." Paano nila gagawing kakaiba ang show nilang ito? "Dapat yung hindi napapanood sa ibang istasyon," sagot ni Bayani. Dahil co-production ito ng GMA-7 at ng TAPE Inc., na producer ng Eat Bulaga!, magkakaroon daw ng host mula sa TAPE. FIRST TIME. Samantala, gagampanan ni Bayani sa
First Time ang role ni Raffy Santiago, na ninong ni Lucas, played by Joshua Dionisio.
"Noong magkaroon ng aksidente yung nanay ni Lucas at iimbestigahan
yung tatay niya, si Eric Quizon, ibinilin sa akin yung bata na ako muna
ang mag-alaga. Para akong pangalawang tatay na guma-guide sa istorya,"
paglalarawan ni Bayani sa kanyang role.
Kilala siya bilang komedyante, pero may mga dramatic scenes ba siya rito?
"Meron. Alam mo kasi yung production ng
Meet The Fathers at
First Time,
pati yung director, iisa lang. So, kailangan baguhin ko ang karakter
ko. Kaya nagsasalamin ako, yung buhok ko minsan kulot, minsan hindi.
Pero maganda yung story. Magaling si Direk [Andoy Ranay] at magaling
yung mga bata."
Bukod kay Bayani at sa tatlong batang bida, kasama rin sa cast ng F
irst Timesina Michelle Madrigal, Joross Gamboa, Alicia Mayer, Ian Veneracion,
Ana Capri, Cris Villanueva, Romnick Sarmenta, Manilyn Reynes, Eric
Quizon, Gabby Eigenmann, Shiela Marie Rodriguez, Roxanne Barcelo, Mel
Kimura, Ricci Chan, Bea Binene, Jhoanna Marie Tan, Mark Castilllo, at
Lucho Ayala.
Ang
First Time ay mapapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad bago mag-
24 Oras, simula sa February 8.